- "the only thing hard enough to penetrate it is itself" - mr. incredible
-

mik_convi
- April 1st, 2009
Kaninang hapon, habang tumatambay kasama ng aking mga kabarkada, napaisip kami kung paano matatapos ang isang PBB season kung lahat kami ang mga napiling kalahok. Dahil isa lang naman ang obyus na katapusan nito -- ako bilang PBB Big Winner -- napadpad ang guniguni ko sa mga mas mahalagang bagay... kung paano ko itutupad ang post-PBB karir ko:
-magsisimula akong sumasayaw ng mga dance routine sa ASAP, at pagkatagal, ay kukunin na rin para makikanta ng mga ballad
-para sa nabuo kong solid na fanbase, magpproduce ako ng album na mix ng mga hits tulad ng mga makapagdamdaming kantang Bakit Pa ni Jessa Zaragoza, Kailan ng Smokey Mountain at Sana Dalawa ang Puso Ko, at ng mga hiphop klasiks kasama na ang mga bersyon ko ng Pink Palaka ni Andrew E, at Itsumo nina Dice at K-9
-dahil sa sobrang husay ko sa pagbi-vj sa Star Myx segment ng MYX, the number one music channel in the Philippines, kukunin nila ako at magiging mainstay ako sa bagong segment nila na Brownie Myx, kung saan hinahalo ang pagbake at pagkinig sa r&b at hiphop
-pagkatapos ko masanay sa paghohost, ako na rin ang kukunin sa Philippine version ng The Crystal Maze
-at habang nangyayari lahat ng ito ay nageendorse ako ng Bench bilang isang Bench model, at papalitan si Ding Dong Dantes bilang face of Bench Body
-papalitan ko rin siya bilang poster boy ng pinakamalaking billboard sa Guadalupe, habang suot ko ang sponsored boxer briefs ko
-pagkasawa ko sa music biz, papasukin ko naman ang pagaarte, at magsisimula ako bilang miyembro ng cast ng isang primetime show na ala Heroes, starring Jake Cuenca as my evil clone, Michael de Mesa as my wise mentor, and Cristine Reyes as my love interest (with the voice of Tito Boy Abundo as narrator)
-dahil sa on-screen pairing namin ni Cristine, matutupad na rin ang dalawa sa pinakamalaking pangarap ko: 1) ang mapili bilang special guest sa Banana Split dahil sa aking katambalan at 2) mainterview ni Mo Twister at Andi 9 sa Good Times with Mo on 89..9 bilang guest sa Forbidden Questions segment nila